Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa Barangay Rio Tuba para sa 44 pamilyang nasunugan sa Sitio Marabahay, isang coastal community sa Barangay Rio Tuba, Bataraza, Palawan.
Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa Barangay Rio Tuba para sa 44 pamilyang nasunugan sa Sitio Marabahay, isang coastal community sa Barangay Rio Tuba, Bataraza, Palawan.
May 34 na kabahayan ang tinupok ng apoy sa nasabing insidente kung saan 174 na indivibwal ang lubhang naapektuhan.
Bumuhos ang tulong mula sa iba’t-ibang indibidwal, mga negosyante at mga kompanya sa Rio Tuba.
Ang kompanyang Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) ay nanguna rin sa mga rumesponde sa pamamagitan ng kanilang fire truck at mga safety personnel mula sa Safety department nito.
Lubos na pasasalamat naman ang tugon ni Marisa Padpad, isa sa mga naapektuhan ng sunog.
“Maraming salamat sa mga nag-donate sa aming mga nasunugan. Walang humpay na pasasalamat sa lahat lalo na sa RTNMC and CBNC na nangunguna sa pagtulong. God bless sa lahat ng nag-donate,” ayon kay Padpad.
“Walang sawang salamat po sa mga tumulong sa amin,” ayon naman kay Diana Bayani, isa sa mga nasunugan.
Ayon kay Venice Guian, SDMP Supervisor ng RTNMC-Community Relations, ang RTNMC, sa pamamagitan ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) program ay namahagi ng relief goods na nagkakahalaga ng P50,000 sa mga pamilyang nasunugan.
“Ang RTNMC ay lagi nang kaagapay ng komunidad sa panahon ng sakuna at community development initiatives. Bilang agarang tugon sa mga nasunugan, tayo ay dagliang nagbigay ng relief goods sa mga nasunugan. Ito ay bahagi ng ating CSR commitment,” sinabi ni Guian.
Dagdag pa ni Guian, hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng sunog sa Marabahay at ramdam ngayon ang mas mataas na diwa ng pagtutulungan lalo’t higit sa panahon ng pandemya.
“Tatlong beses nang nagkasunog sa Marabahay pero this is the first time na makita mo na ibang level ‘yong tulungan ng mga tao. Siguro dahil sa pandemic, natuto ‘yong mga tao magtulungan, na-observe namin na maya-maya may tumatawag sa amin na magpapa-assist, magbibigay ng tulong” tugon ni Guian.
Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang mga taga Marabahay sa pagsubok na nararanasan sa panahon ng pandemya bagkus nagbukas ito ng maraming oportuninad upang maipamalas ang bayanihan.
“Laban, Rio Tuba. Bangon, Marabahay,” ayon naman sa isang social media post ni Jenni Calisang.
“Sinusubok man tayo ng problema, nandiyan pa rin ang pagdadamayan. Maraming salamat,” dagdag naman ni Daven Kyle Osorio.
“Alhamdulillah (Thank God) maraming tumulong sa mga nasunugan” ayon naman sa pahayag ni Khaiden Khu Birin.
Nito lamang April 28, kasagsagan pa rin ng pandemya at lockdown, bandang alas sais ng hapon ay biglang sumiklab ang sunog sa Marabahay na siyang tumupok sa ilang kabahayan sa nasabing lugar na nagresulta ng pag-evacuate ng 44 pamilyang lubhang naapektuhan ng sunog. Wala namang nasawi sa insidente.