Sa panahon ng pandemya, hindi na uso ang siraan o sisihan, bagkus dapat nating ipamalas ang pagtutulungan at pagdamay sa kapwa o sa madaling sabi, ang bayanihan spirit kung saan kilalang-kilala ang mga Pinoy rito.
Sa panahon ng pandemya, hindi na uso ang siraan o sisihan, bagkus dapat nating ipamalas ang pagtutulungan at pagdamay sa kapwa o sa madaling sabi, ang bayanihan spirit kung saan kilalang-kilala ang mga Pinoy rito.
Subalit paano ka makakapagbigay ng tulong sa iyong kapwa kung ikaw mismo ay nangangailangan ng ayuda?
Hindi lamang ang pamahalaan ang nakapagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan, kundi maging ang pribadong sektor at mga organisasyon.
Dito ko napagtanto na malaki pala ang ginagampanang papel ng pribadong sektor sa panahon ng pandemiya dahil sila ang katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayan nating lubhang nangangailangan nito.
Halimbawa na rito ang Nickel Asia Corporation (NAC), isa sa mga nangungunang kompanya ng pagmimina sa bansa na hindi nagsasawa sa pagkakaloob ng tulong sa mga komunidad kung saan ito may operasyon.
Ang mga operating companies ng NAC na kinabibilangan ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) na nakabase sa Bataraza, Palawan; Taganito Mining Corporation (TMC) na may operasyon sa Claver, Cagdianao Mining Corporation sa Dinagat Islands, Hinatuan Mining Corporation sa Tagana-an, Surigao del Norte at Dinapigue Minining Corporation na nakabase naman sa Dinapigue, Isabela.
Bago pa man ang pandemiyang dala ng COVID-19 virus, aktibo na ang mga kompanyang nabanggit sa pagtulong sa mga komunidad sa pamamagitan ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) projects at Social Management and Development Programs (SDMP).
Lalo’t higit ng hinagupit ang bansa ng pandemya, lalo pang pina-igting ng mga kompanyang ito ang pagbibigay ng tulong at ayuda sa mga pamayanan.
Halimbawa na lamang ang pamimigay ng bigas, de-lata, isda at gulay ng mga kompaniya sa mga residenteng hirap sa buhay dahil sa lockdown.
Andiyan din yung pagbibigay ng school supplies at tulong-pinansiyal o allowance sa mga mag-aaral para lamang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral kahit na on-line o blended learning ang ipinatutupad sa mga paaralan.
Maliban sa mga nasabing tulong, tuloy pa rin naman ang mga kompanyang ito sa pagpapatupad ng mga proyektong higit na pakikinabangan ng mamamayan katulad na lamang ng kauna-unahang Molecular Test Laboratory sa Surigao.
Ang laboratoryong ito ay mayroong 42 testing machines na mabilis na makapagsusuri hindi lamang sa mga COVID-19 patients kundi maging sa mga nagkaroon ng mga sakit tulad ng HIV, Leukemia, at iba’t ibang uri ng cancer.
Tiyak na ang bagong laboratoryong ito ay makakatulong para mapabilis ang pagsusuri sa iba’t ibang uri ng sakit lalo na sa panahon ng pandemiya.
Ang mga ginagawang ito ng mga mining firm ay patunay lamang na buhay ang Bayanihan Spirit at seryoso sila sa pagtupad sa kanilang pangakong ibalik sa mamamayan ang bahagi ng kanilang mina.
Nagpapakita lamang ito na buhay na buhay ang responsableng pagmimina at habang may operasyon ang mga kompanyang ito ay hindi nila ito isasantabi o ititigil alang-alang sa kapakanan ng mga pamayanan.