Hindi maikakailang marami ang apektado ng pandemic dala ng COVID 19 dahil na rin sa ipinatutupad na community quarantine ng pamahalaan.
Hindi maikakailang marami ang apektado ng pandemic dala ng COVID 19 dahil na rin sa ipinatutupad na community quarantine ng pamahalaan.
Dahil sa pagtigil ng operasyon ng maraming kompanya, marami rin ang nawalan ng hanapbuhay at trabaho.
Upang makatulong sa pamayanan, inilunsad ng Hinatuan Mining Corporation ang kanilang community pantry na may temang, “At HMC, We always have F.A.I.T.H (Food Always In The House).”
Ang HMC, isang operating company ng Nickel Asia Corporation (NAC), ay nakabase sa Barangay Talavera, Tagana-an, Surigao del Norte.
Ang mga gulay at prutas na ipinamamahagi sa community pantry ay inani mula sa Haleakala Farm Village, Aquaponic Garden, at Dragon Fruit plantation ng kompanya.
Samantalang ang mga Tilapia at Bangus naman ay galing sa Aquaponic garden at Mariculture project ng HMC.
Ang community pantry ay resulta ng Environment best practices ng HMC dahil ang mga produktong makikita rito ay galing sa iba’t ibang programa at proyekto ng kompanya.
Sa unang araw ng pagbubukas ng community pantry, mayroon itong 12 kilo ng pinya, limang kilo ng kamatis, 10 kilo ng Sponge Gourd at 2.5 kilo ng kalamansi na pawang naani mula sa Haleakala Garden.
Samantalang ang naani naman mula sa Farm Village ay kinabibilangan ng kamote, kamoteng-kahoy, talong at kalabasa.
Habang galing naman sa Dragon Fruit Plantation ang apat na kilo ng of Dragon fruit at limang kilo ng Lettuce at ang 35 kilo ng saging ay mula sa Lipata Cove Garden.
Ang 12 kilo ng Tilapia ay naani sa Aquaponic Garden habang ang 150 kilo ng Bangus ay mula sa Mariculture Project ng HMC.
Ang mga prutas, gulay at isda na isinama sa community pantry ay ipinamahagi sa mga empleyado ng HMC na tumungo sa pantry kabilang din ang mga nasa manpower agencies, mining contractors at SCAA group.
Maliban dito, natikman din ng mga empleyado ang inihain ng HMC na Binignit, fresh buko juice, lemongrass juice, blue ternate juice, at ang kauna-unahang Dragon fruit ice cream.
Nagkaroon din ng Information, Education and Communication (IEC) program kung saan namahagi ng mga papremyo ang HMC sa mga trivia winner.
Malaki naman ang pasasalamat ni Forester Manuel A. Torres Jr., Environment Manager, sa suporta ng mga empleyado sa programa at pagtangkilik nila sa community pantry.
“Malaki ang pasasalamat natin sa Panginoon dahil sa mga ipinagkakaloob niyang biyaya kabilang na ang matagumpay na Environmental project ng kompanya sa kabila ng nararanasan nating pandemic,” ayon kay Torres.
Dahil aniya sa tagumpay ng Environmental project ng kompanya ay nabiyayaan din nito ang mga empleyado ng HMC.
“Ito ay nagpapatunay lamang na umiiral ang responsableng pagmimina sa HMC,” dagdag pa ni Torres.