TINATAYANG P3.2 Milyon ang inilaan ng Cagdianao Mining Corporation (CMC) para sa pagtatayo ng Multi-purpose Covered Court ng Valencia National High School (VNHS).
TINATAYANG P3.2 Milyon ang inilaan ng Cagdianao Mining Corporation (CMC) para sa pagtatayo ng Multi-purpose Covered Court ng Valencia National High School (VNHS).
Upang masimulan na ang nasabing proyekto, pinangunahan ng Department of Education, Valencia National High School (VNHS) at CMC ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng VNHS Multi-purpose Covered Court.
Ang pondo ay nagmula sa Social Development and Management Program (SDMP) ng CMC.
Ang groundbreaking ceremony ay dinaluhan nina Dr. Felisa G. Laranjo, CESO VI, School Division Superintendent; Gesrael C. Tillo ng Barangay Local Government Unit; GPTA President Rodina S. Lumpay; at CMC Resident Mine Manager Engr. Arnilo C. Milaor.
Ayon kay Engr. Milaor, ang proyekto ay bahagi ng misyon ng CMC na tumulong sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga kabataan.
“Ang proyektong ito ay bahagi ng misyon ng CMC na mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang ating mga kabataan, sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga estudyante,” ayon kay Milaor.
Malaki naman ang pasasalamat ni Dr. Laranjo sa ibinigay na tulong ng kompanya.
“Makakatulong ang covered court na ito sa mga aktibidad ng VNHS para lalong ma-develop ang ating mga kabataan,” ayon pa kay Dr. Laranjo.