Nasungkit ng Rescue Team ng bayan ng Bataraza ang kampeonato sa isinagawang dalawang araw na kauna-unahang Junior Rescue Olympics bilang bahagi ng Baragatan Festival kaalinsabay ng ika-120 anibersaryo ng pagkakatatag ng Gobyerno Sibil ng Palawan.
Nasungkit ng Rescue Team ng bayan ng Bataraza ang kampeonato sa isinagawang dalawang araw na kauna-unahang Junior Rescue Olympics bilang bahagi ng Baragatan Festival kaalinsabay ng ika-120 anibersaryo ng pagkakatatag ng Gobyerno Sibil ng Palawan.
Nakuha naman ng Rescue Team ng Roxas ang Ikalawang puwesto at ng Rescue Team ng Narra ang Ikatlong puwesto.
Pitong munisipyo ang lumahok sa kompetisyon at nagpadala ng kanilang mga representante kabilang dito ang Aborlan, Bataraza, Narra, Brooke's Point, Rizal, Roxas at San Vicente.
Ang unang aktibidad na isinagawa noong Hunyo 21 ay ang Quiz Bee Competition na ginanap sa SM City Puerto Princesa at sinundan naman ng Junior Rescue Olympics sa Puerto Princesa City Baywalk.
Sa Quiz Bee ay may tig-tatlong kalahok ang bawat munisipyo. Ito ay may tatlong kategorya, ang Easy, Average at Difficult kung saan ang score na makukuha sa Quiz Bee ay pagbabasehan ng 25% knowledge.
Samantalang ang 75% naman ay mula sa rescue skills ng mga kalahok kabilang ang mga aktibad na bandaging, knot tying, hose maneuvering three hose connection, busted hose, CPR at bucket relay.
Ang mga kalahok ay pawang mga nasa junior at senior highschool na ang bawat team ay binubuo ng walong miyembro kasama na rito ang kanilang coach.
Ang mga nagwagi sa kompetisyon ay tumanggap ng P25,000.00 para sa 1st place, P20,000.00 sa 2nd place at P15,000.00 sa 3rd place.
Ang Bataraza ay sinusuportahan ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) dahil dito isinasagawa ang kanilang mining operations.