Ang Sitio Tagpas, Barangay Latud ay matatagpuan sa Bayan ng Rizal sa Palawan. Isa ito sa masasabing pinakamalayong lugar na matatagpuan sa silangang bahagi ng Timog Palawan.
Ang Sitio Tagpas, Barangay Latud ay matatagpuan sa Bayan ng Rizal sa Palawan. Isa ito sa masasabing pinakamalayong lugar na matatagpuan sa silangang bahagi ng Timog Palawan.
Ayon kay Ginoong Elorde Mistero, isa sa mga tumatayong pinuno ng kanilang pamayanan, pagsasaka ang kanilang pangunahing kabuhayan at halos lahat sa kanila ay mga katutubong Palaw’an.
Ngunit sa kabila ng kanilang kalagayan, hindi mababakas sa kanila ang kakulangan at kalungkutan.
Masaya at payak naman ang kanilang pamumuhay. Mayroon lamang itong isang Elementary School na mayroong 174 na estudyante, maliit na koneksyon nang patubig at mga sakahan.
Kung kaya naman ang grupo ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC), pinili at binaybay ang mahirap na daan patungong Sitio Tagpas upang makapag paabot ng kaunting tulong sa kanilang maliit na katutubong pamayanan.
Namigay ang RTNMC ng mga gamit pang eskwela at relief goods bilang pagpapakita ng suporta at pasasalamat sa patuloy nilang pakikiisa sa responsableng pagmimina.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang grupo ng RTNMC na makilala at makausap ang mga guro ng Mababang Paaralan ng Tagpas tungkol sa kanilang mga kalagayan, karanasan, kakulangan at mga pangangailangan pang-edukasyon.
Humanga rin ang Rio Tuba Nickel sa dedikasyon ng mga bayaning guro na nagtuturo sa Tagpas Elementary school (TES) na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng Palawan.
Dahil dito, nagpaplano ang RTNMC na bumalik sa Pebrero sa nasabing Sitio para sa nalalapit na pagpapatupad ng mga programang pangkomunidad sa ilalim ng Social Development and Management Plan (SDMP) ayon sa kanilang mga naplanong pangangailangan at prayoridad.
Ang Tagpas ay isa sa mga Sitio na katuwang ng RTNMC sa pagpapatupad ng mga programang pangkomunidad o Social Development and Management Program (SDMP) mula pa noong taong 2014 hanggang sa kasalukuyan.
Walang hanggang pasasalamat naman ang tugon ng kanilang lugar sa pamamagitan ng kanilang pinunong si Elorde Mistero sa patuloy na suporta at tulong na natatanggap nila mula sa pamunuan ng RTNMC.