Si Tettet Chavez, kilala sa tawag na Nanay Tet ay isang katutubong Agta sa Dinapigue sa lalawigan ng Isabela.
Si Tettet Chavez, kilala sa tawag na Nanay Tet ay isang katutubong Agta sa Dinapigue sa lalawigan ng Isabela.
Bagama’t salat sa kaalaman, mag-isa niyang itinaguyod ang anim sa siyam niyang anak matapos makipag-hiwalay sa kanyang mister. Maliliit pa lamang ang kanyang mga anak noong naghiwalay sila ng kanyang asawa.
Dahil sa hindi nakapag-aral, maging ang kanyang edad ay hindi alam ni Nanay Tet.
“Ang hirap pong mabuhay ng walang katuwang, pasan ko po lahat,” ayon kay Nanay Tet.
Maaga pa lang ay gumigising na si Nanay Tet para maghanap ng pagkakakitaan at dala-dala niya ang dalawa niyang anak, ang isa ay nasa likod niya habang ang isa naman ay akay–akay niya sa initan.
“Kasama ko po silang dalawa habang naggagamas o kaya gumagawa ako ng banig,” sambit ni Nanay Tet.
Dahil sa hirap ng kanilang buhay, halos araw-araw ay umiiyak si Nanay Tet at hindi mapanatag sa kaka-isip kung paano niya mapapakain ang kanyang mga anak.
“Naawa po ako sa aking mga anak dahil hindi ko po sila mapag– aral,” malungkot na sambit ni Nanay Tet.
Subalit nagbago ang lahat ng ito ng mamasukang Laundry Staff si Nanay Tet sa Dinapigue Mining Corporation (DMC).
Ayon kay Nanay Tet, dahil sa trabahong ibinigay sa kanya ng DMC ay hindi na siya nag-aalala sa ngayon kung saan kukuha ng ipapakain sa kanyang mga anak.
Malaking tulong ang pagkakaroon ng trabaho ni Nanay Tet dahil mapag-aaral din niya ang kanyang mga anak nang sa gayun ay magkaroon sila ng magandang kinabukasan.
Umaasa si Nanay Tet na magtuloy-tuloy ang kanyang trabaho sa DMC para hindi na bumalik pa sa hirap ang kanilang buhay.
“Ngayon po masaya ako dahil may trabaho na po ako sa DMC at sana po mag tuloy-tuloy po ito dahil malaki ang naitutulong sa akin. Hindi ko na po kailangang maghanap araw araw ng pagkakakitaan,” ayon kay Nanay Tet.
Si Nanay Tet ay ilan lamang sa mga katutubo at residente sa Dinapigue na nabigyan ng hanapbuhay nang magbukas ang DMC.
Sa pagdaan ng mga araw, umaasa naman si Nanay Tet na marami pa ang matutulungan ng DMC para maiahon din sila mula sa kahirapan.