Isa sa pinaka-hindi inaasahang pangyayari ang dumating sa ating bansa, partikular sa probinsiya ng Dinagat Islands—ito ay ang malakas na bagyong sumira sa mga tirahan, ari-arian at kabuhayan ng mga tao.
Isa sa pinaka-hindi inaasahang pangyayari ang dumating sa ating bansa, partikular sa probinsiya ng Dinagat Islands—ito ay ang malakas na bagyong sumira sa mga tirahan, ari-arian at kabuhayan ng mga tao.
Bagama’t malaki ang pinsalang iniwan ng Bagyong Odette, maliit lamang ang bilang ng mga nasaktan o nasawi, dala na rin marahil sa maagap na paghahanda ng mamamayan.
Sa kabila ng masakit na pinag-daanan ng lalawigan may mga indibidwal at kompanyang bukas-loob na nag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Isa na rito ang Cagdianao Mining Corporation (CMC) na unang rumisponde sa mga komunidad bago at pagkatapos ng bagyo.
Minahang naging daan sa paghatid ng tulong sa kumunidad, na kahit na isa ito sa nabiktima ng bagyo ay hindi nag-atubiling tumulong para tugunan ang pangangailagan ng mga nasalanta ng bagyo.
Kaliwa’t kanang rescue and relief operation ang ginawa ng CMC upang lahat ng mga komunidad ay may maihain at maitaguyod ang pang-araw-araw na pangangailagan ng mga apektadong residente.
Hindi iniinda ang masamang panahon para makapaglingkod sa komunidad at makapaghatid ng tulong sa bawat pamilyang nasalanta ng bagyo.
Kahit sa transportasyon ng ayuda, ang minahan ang naging daan para mapabilis ang paghahatid ng tulong sa pamamagitan ng isinagawa nitong clearing operation sa mga daanang nabagsakan ng mga puno.
Partikular na sa Barangay Boa na isa sa lubhang sinalanta ng bagyo na mistulang nawala sa mapa dahil sa matinding sinapit sa hagupit ni Odette.
Talagang nakakatakot ang dinanas ng lahat sa pagdating ni Bagyong Odette, ang dating payapang komunidad ay tila bang abandonadong lugar dahil sa kakaibang itsura nito pagkatapos ng kalamidad.
Ang dating makulay na bukirin ay nag-iba ang anyo, ang mga pananim ng mga magsasaka ay nasira at maraming kabahayan ang nagsitumbahan at nawalan ng bubong dahil sa dalang lakas ng bagyo.
Gayunpaman, mapalad pa rin ang lahat dahil sa kabila ng kanilang pinagdaanan ay may mabuting kalooban ang nasigpadatingan upang mag-abot ng tulong sa bawat isa.
Lalong lalo na ang tulong ng CMC sa iilang kumunidad ng Dinagat Islands. Sako-sakong bigas ang ipinamigay nito sa bawat pamilyang gutom ang sikmura, bulto-bultong supot ng pagkain ang iniabot upang bawat pamilya ay may maihain.
Kaliwa’t kanang medical mission din ang inilunsad ng CMC upang ang mga sugat ng biktima ng bagyo ay gamutin, bukod dito ay nagbigay pa ng mga libreng gamot para sa mga taong may karamdaman na matagal ng iniinda.
Ilan lang yan sa mga tulong na ipinaabot ng minahan para sa mga komunidad, minahang handang dumamay at maging katuwang ng bawat isa para makamit ang isang magandang umaga. Minahang uunahin ang kapakanan ng komunidad para may maihain sila sa hapag-kainan.
Dagdag pa rito ang mga empleyadong buwis buhay sa pag responde sa kasagsagan at pagkatapos ng bagyo upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Kilo-kilometro ang kanilang nilakad at matataas na alon ang kanilang sinagupa sa paglalakbay upang ng mag-abot ng tulong sa kumunidad nang sa gayun ay manumbalik ang mga ngiti sa mukha ng mga nasalanta.
Ganyan ka-responsableng kompanya ang Cagdianao Mining Corporation, sasamahan ang kumunidad sa pag-ahon mula sa pagkakalugmok dala ng kalamidad.