Sa pamamagitan ng simpleng ‘Kalinga ng Mina,’ naghatid ng mga ngiti sa mga labi ng mga residente ng Barangay Taburi sa bayan ng Rizal ang Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC).
Sa pamamagitan ng simpleng ‘Kalinga ng Mina,’ naghatid ng mga ngiti sa mga labi ng mga residente ng Barangay Taburi sa bayan ng Rizal ang Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC).
Ito’y sa pamamagitan ng isinagawang outreach program ng RTNMC sa isang komunidad na hindi madalas maabot ng tulong dahil sa kalayuan nito sa kabihasnan.
Kabilang sa mga ipinamahagi ng RTNMC ay relief goods, mga damit at mga laruan para sa mga bata.
Ayon kay Modesta Mahinay, kapitana ng Brgy. Taburi, lubos ang kanilang pasasalamat sa tulong na ipinagkaloob ng RTNMC.
“Maraming, maraming, maraming salamat sa RTNMC at napansin nila tayo rito sa Barangay Taburi. Asahan ninyo na ang inyong mga opisyales ay patuloy na makikipag- ugnayan sa pamunuan ng RTNMC para sa iba pang posibleng kahilingan,” ayon kay Mahinay
Mahigit sa 400 katao ang naging benipesyaryo ng nasabing outreach program. Iba’t-ibang tao, katutubo, kristiyano at mga Muslim ang nagkaisa upang suportahan ang programa ng Barangay Taburi at ng kompanya.
Ayon naman kay Venice Guian, SDMP Supervisor ng RTNMC, simula pa lang ito ng tulong na maaaring maibigay sa Barangay Taburi.
“Daghang salamat sa mainit na pagtanggap ninyo sa RTNMC dito sa Barangay Taburi. Hindi namin inasahan na ganito tayo ngayon karami. Baka masundan pa ito sa tulong na rin ng RTNMC at mga empleyado nito na kusang tumulong para sa outreach program,” ayon kay Guian.
Bago pa man idaos ang outreach program, nagsagawa ang Rio Tuba Nickel ng ocular inspection sa Barangay Taburi sa tulong ni Kagawad ni Rene Maypa.
Kabilang sa mga nakilahok sa program ay mga employee volunteer mula sa mga opisina ng Admin, CPMS, accounting at security, kung kaya’t naging matagumpay ito at naka-iwan ng ngiti at pasasalamat mula sa Barangay Taburi.
Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng isang salo-salo sa pananghalian na inihanda ng Barangay Taburi.