Mahigit sa 7,000 pamilya mula sa Bataraza, Palawan ang nabiyayaan ng ayudang bigas na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan katuwang ang dalawang mining company na may operasyon sa Barangay Rio Tuba.
Mahigit sa 7,000 pamilya mula sa Bataraza, Palawan ang nabiyayaan ng ayudang bigas na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan katuwang ang dalawang mining company na may operasyon sa Barangay Rio Tuba.
Nagsanib puwersa ang Pamahalaang Lokal ng Bataraza, Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) at Coral Bay Nickel Corporation (CBNC) sa pamimigay ng ayudang bigas sa mga pamilyang apektado ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Bataraza Mayor Hj. Abraham M. Ibba, nasa 7,000 pamilya ang nakinabang sa ayudang ito.
Dahil sa ayudang natanggap, malaki ang pasasalamat ng mga residente sa lokal na pamahalaan at sa dalawang mining company.
“Maraming salamat po, RTNMC at CBNC,” ayon sa pahayag ni Maryrose Santorcas.
“Salamat sa bigas. May awa ang Diyos,” saad naman ni Rhea Parangue Zabala.
Ang pamamahagi ng bigas ay pinangunahan ng LGU-Rio Tuba sa tulong ng iba’t-ibang community volunteers kabilang na ang Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Tanod, Bataraza Philippine National Police (PNP), Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO), at Bataraza Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon kay Bong Dela Rosa, RTNMC ComRel Manager, ang pondong inilaan para sa nasabing ayuda ay mula sa pinagsamang Corporate Social Responsibility (CSR) funds ng RTNMC at CBNC.
“Out of generosity and commitment of two companies for Bataraza community development initiatives, tayo ay nagpaabot muli ng tulong o ayuda sa ating mga kababayan na apektado ng ECQ sa Rio Tuba,” pahayag ni Dela Rosa.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, isinailalim sa dalawang linggong ECQ ang Barangay Rio Tuba noong May 17 hanggang 31 na nakaapekto sa galaw at kabuhayan ng komunidad.