Upang personal na saksihan ang pamamaraan ng pagmimina at epekto nito sa kalikasan, dinalaw ng ilang Paulinian Sisters ang mine site ng Rio Tuba Nickel Mining Corporatio (RTNMC) at Coral Bay Nickel Corporation (CBNC) sa Barangay Rio Tuba, Bataraza sa Palawan.
Upang personal na saksihan ang pamamaraan ng pagmimina at epekto nito sa kalikasan, dinalaw ng ilang Paulinian Sisters ang mine site ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) at Coral Bay Nickel Corporation (CBNC) sa Barangay Rio Tuba, Bataraza sa Palawan.
At sa pagbisitang ito nina Sister Rosanne Malilin at Sister Jocelyn Casio, kapwa miyembro ng Sisters of St. Paul of Chartres, kanilang napatunayan na hindi talaga nakakasira ng kalikasan ang pagmimina kung tama ang pamamaraan at responsable lamang ang kompanyang gumagawa nito na kanilang nasaksihan sa mine site ng RTNMC at CBNC.
Doon nila personal na nasaksihan kung paano ang isinasagawang rehabilitasyon ng RTNMC at CBNC kung saan sagana na sa punongkahoy ang naminang lugar.
Hindi lamang mga punongkahoy ang itinanim ng RTNMC at CBNC sa pamamagitan ng kanilang rehabilitation program kundi nakapaglikha na ito ng isang kagubatang mayaman sa halaman at puno.
Kasama nina Sisters Rosanne at Jo sa pagbisita sa minahan ang ilang propesor at estudyante mula sa St. Paul University (SPU) sa Surigao del Norte.
Ayon kay Sister Malilin, Pangulo ng SPU, ang mine site tour ay nagbigay sa kanila ng oportunidad para lubusang maintindihan ang proseso ng pagmimina at kung ano nga ba ang idinudulot nito sa pamayanan at kapaligiran.
Sa kanilang pagbisita, sinabi ni Sister Malilin na naunawaan nila ang responsableng pagmimina kung saan higit na nakikinabang ang komunidad at mga mamamayan nito sa pamamagitan ng mga proyektong pangkabuhayan, imprastraktura, edukasyon, kalusugan at iba pa.
“Maganda ang adhikain ng RTNMC at CBNC sa pagpapatupad ng responsableng pagmimina, ito ay isang patunay na tumutupad ang kumpanya sa kanilang sinumpaang tungkulin sa komunidad at kalikasan,” ayon kay Sister Malilin sa panayam ng NAC BULLETIN.
Sinabi naman ni Sister Jo na siya ay may mga kuwestiyon kung bakit nagbukas ang kanilang unibersidad ng Mining Course dahil sa tuwing tinatalakay niya ito, mahigpit itong tinututulan ng mga student leader dahil sa paniniwalang may masamang naidudulot ito sa kapaligiran.
Maging ang pamamaraan ng isinasagawang rehabilitasyon ng mga mining company pagkatapos ng pagmimina ay kanya ring pinagdududahan.
“Ako ay napapaisip kapag nababanggit ang responsible mining. Is there such a thing as responsible mining? Sinira tapos aayusin?! Diyos ba sila para ayusin ang kalikasan?” ayon sa kanya.
Subalit matapos ang kanilang pagbisita sa RTNMC, nabuksan ang kaniyang isipan at nagbago ang kaniyang pananaw hinggil sa pagmimina dahil sa responsableng pagmimina ng kompanya.
“After visiting RTNMC, it was an answered prayer there’s a beauty in mining, and God is making a way na may mga mining companies na responsable. At nagpapasalamat ako kay Sister Rosanne truly an eye opener sa akin at nasabi ko din na there’s a mining company na tumutupad pala sa responsableng pagmimina,” dagdag pa ni Sister Casio.
Isa sa mga benepisyong nakukuha ng pamayanan at mamamayan mula sa industriya ng pagmimina ay ang mga tulong na ipinagkakaloob ng RTNMC at CBNC.
“Ako ay bilib sa pamunuan ng RTNMC at CBNC dahil sa sobrang dedikasyon nila sa pagtulong sa mga tao,” ayon pa kay Sister Jo.
Dahil sa kaniyang nasaksihan sa paraan ng pagmimina ng RTNMC at CBNC, nangako si Sister Jo na siya mismo ang tutulong sa pagpapaliwanag sa mga tao tungkol sa responsableng pagmimina.
“After visiting RTNMC, it was an eye opener that there’s beauty in mining. And responsible mining truly exist,"dagdag pa ni Sister Casio.
Sa panig ni Arjun Lumayno, Environmental Professor sa SPU, sinabi nitong nakita niya kung paano epektibong ipinatutupad ng RTNMC at CBNC ang kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) projects sa mga komunidad.
“I am not an anti-mining pero I want to see from other mining companies how well their CSR, ang iba kasi nahihirapan silang i-implement ang mga proyekto nila pero nakita ko kung gaano ka-dedicate ang RTNMC at CBNC sa pagtulong nila sa mga tao at sa kalikasan,” ayon kay Prof. Lumayno.
Napahanga rin si Prof. Larry Dillo sa pagsusulong at pagpapatupad ng RTNMC at CBNC ng responsableng pagmimina.
“Iyong pag-develop ng isang magandang community ay hindi mahirap and if you are saying a responsible mining, yung iba bukang bibig lang pero sa RTNMC at CBNC, makikita mo talaga ang commitment nila at iba ang nakita ko talaga, ayon kay Prof. Dillo.
Dahil dito, hinimok ni Prof. Dillo ang ibang anti-mining groups na tingnan ang kabuuan ng proseso ng pagmimina at hindi lamang ang unang bahagi nito.
“Yung mining is okay talaga nakikita kasi ng iba ang first stage ng proseso ng mining hindi nila nakikita ang last part kung paano i-rehabiliate ang mine site tulad ng ginagawa ng RTNMC at CBNC,” ayon pa kay Prof. Dillo.
Bilang professor at isang ama, sinabi ni Prof. Dillo na nakikita niya kung gaano kahalaga ang pagmimina at isa siya sa saksi kung paano ito nakakatulong hindi lang sa mga scholars ganun din sa kanilang pamilya.
NaniniwalarinsiProf.JarahGertrudes Espiritu sa simula na masama ang naidudulot ng pagmimina sa kapaligiran. Subalit ito ay nagbago nang madalaw ang mine site ng RTNMC at CBNC.
“As a professor I always thought mining is something that can endanger our environment and the community, but with RTNMC and CBNC they really engaged and follow the responsible mining, and for students definitely an eye opener for them that still there is a responsible company that follows and give importance not only to the community but also to our environment,” ayon kay Prof. Espiritu.
Aminado si Prof. Espiritu na isang malaking pagkakamali ang pagkakaroon ng pananaw na masama ang pagmimina.
“It was a really an honest mistake to have thought that a mining company can endanger life dahil na rin siguro sa mga nababasa, napapanood at nababalita kaya nagkakaron ng masamang imahe ang lahat ng mining companies,” ayon pa kay Prof. Espiritu.
“Hearing the positive notes of mining from different speakers or lecturer I saw the humane side of RTNMC and CBNC and that is the most important factor to see that the companies really care and love the community and most importantly the environment too,” ayon pa sa kaniya.
Nangako rin si Prof. Fran Aiken Alan na hihimukin niya ang mga estudyanteng bisitahin din ang mine site ng RTNMC and CBNC upang makita ang mabuting idinudulot ng pagmimina
“As a professor, I will encourage students to visit RTNMC and CBNC for them to see the good side of mining. I am not an anti-mining person but still I am an advocate of those responsible mining companies,” ayon sa kanya.
Kasama ring dumalaw sa mine site ang ilang estudyante ng SPU.
Ayon kina Christian Jebb Digman at Leslie D. Alceso, kapwa iskolar ng HMC na nag-aaral sa SPU, malaki ang naitutulong ng RTNMC and CBNC sa komunidad.
“Saludo ako sa ginagawa ng RTNMC lalo na sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad,” ayon kay Alceso.
Nalulungkot nga lang si Alceso dahil sa social media ay binabatikos ang mga minahang responsable.
“Bilang estudyanteng kumukuha ng education isa ako sa makikipaglaban at magbibigay ng tamang impomasyon hinggil sa pagmimina. Nararapat lang din na ipagtanggol ko at ipaalam ang tamang impormasyon sa pagmimina,” ayon pa kay Alceso.
Dahil sa mga maling impormasyong ipinakakalat ng anti-mining groups, nagkakaroon ng maling impresyon ang mamamayan hinggil sa pagmimina na kesyo mapanira ito sa kapaligiran.
Subalit kung tama at responsable lamang ang pamamaraan sa pagmimina ay di hamak na malaki ang maitutulong nito hindi lamang sa pagpapabuti sa buhay ng komunidad kundi sa pag-unlad ng ating bansa.