News

Pusong pinya nadiskubre sa isang barangay sa Bataraza

Pambihirang malahugis pusong Pinya na tila baga’y nakikisabay rin sa bugso ng panahon ay mula sa Barangay Bulalacao, Bataraza, Palawan.

Ang pinakamatamis na mga Pinya at pinakamalalaking taniman ay matatagpuan sa Bulalacao sa Bayan ng Bataraza, ang tinaguriang Pinya Capital ng lalawigan ng Palawan.

Ang bayan ng Bataraza ay isang first class Municipality at ang ekonomiya nito ay sumusulong dahil sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor gaya ng pagsasaka, pangingisda, turismo, negosyo at pagmimina.

Asahan din ang marami pang development projects sa naturang bayan gaya na lamang ng pagpapatayo ng bagong municipal hall, airstrip, fish port at iba pa.

Ang Bataraza ay host municipality ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation na may operasyon sa Barangay Rio Tuba.

Ang public-private partnership sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Social Development and Management Program (SDMP) at iba pang programa ay nagbukas ng maraming oportunidad upang makatulong sa patuloy na pagsulong ng Bataraza.

(Litrato Ni: Samuel Pastera)

Share this article