News

RTNMC suportado ang Baragatan sa Palawan Festival

Mainit ang pagsuporta ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) sa idinaos na Baragatan sa Palawan Festival 2022 na nagsimula noong Hunyo 17.

Ang RTNMC ay isa sa mga major sponsor ng Baragatan, isang taunang pagdiriwang na nagpapamalas sa kultura, paniniwala, at tradisyon gayundin ng mga natatanging produkto ng lalawigan.

Ipinamalas ng RTNMC ang best pratices nito sa sustainable mineral development sa libu-libo kataong dumalo sa selebrasyon sa pamamagitan ng performance ng kilalang Silent Sanctuary Band sa Grand Opening ng Baragatan.

Ang Bataraza, na siyang tinaguriang Pinya capital ng Palawan, ay host municipality ng RTNMC pagdating sa iba’t-ibang programang pang-komunidad upang maging kaagapay sa pagsulong ng bayan ng Bataraza.

Galak na galak naman ang mga tindera mula sa Barangay Marangas, Bataraza nang dinudumog na ang kanilang pwesto sa Baragatan sa Palawan Festival ngayong taon.

Ibinibida at ibinebenta rito ang Pinya, processed products mula sa pinya, bignay wine at ilan pang mga lokal na produkto.

Share this article