Pinondohan ng P30 milyon ng lokal na pamahalaan ng Bataraza, katuwang ang Riotuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) at Coral Bay Nickel Corporation (CBNC) ang COVID-19 Vaccination program para sa mga residente ng bayan ng Bataraza.

Ito ang kinumpirma ni Mayor Hj. Abraham M. Ibba sa naganap na pagpupulong ng Municipal Inter-agency Task Force ng Bataraza.

Bunsod nito, inaasikaso na ang mga kailangan para maisakatuparan ito sa ilalim ng panuntunang inilatag ng Department of Health (DOH).

Una rito, nakipagpulong ang ilan sa matataas na opisyal ng RTNMC at CBNC kay Mayor Ibba at Municipal Health Officer Ma. Ribethea Acala para pagplanuhan ang COVID-19 vaccination program para sa Bataraza.

Share this article