Shocked in awe. Ganito mailarawan ang nararamdaman nang dumalaw ang dalawa sa pinakasikat na manlalaro ng PBA na sina Asi Taulava at Gary David.
Shocked in awe. Ganito mailarawan ang nararamdaman nang dumalaw ang dalawa sa pinakasikat na manlalaro ng PBA na sina Asi Taulava at Gary David.
Bagama't sanay na ang mga residente ng Manicani sa pagdayo ng mga tinitingalang basketball stars sa kanilang lugar, dahil sa regular na sports activities ng Nickel Asia Corporation (NAC) at Hinatuan Mining Corporation (HMC), hindi maikukubli ang kilig ng mga taga rito.
"Natutuwa po kami kasi akala namin nung mga unang taon na dumadalaw sila sa amin parang yun na yun, pero nadadalas po kaya kami natutuwa," sabi ni Ariel Cudoy, residente ng Manicani.
"Ang higit ho kasi naming ikinatutuwa, kahit po liblib na liblib na ang aming lugar at tatawid ka pa ng isla, hindi ito alintana ng mga PBA superstars para kami ay madalaw," dagdag pa nito.
Sa kanilang pagdalaw sa Manicani noong Mayo 28, giliw na giliw na nakipagkamay at kwentuhan sa mga mamamayan sina Taulava at David.
Muli ring nabiyayaan ng mahahalagang souvenir photos sa kani-kanilang mga cellphone ang mga Manicanians, bagay na tiyak na kanilang ipagmamalaki sa mga susunod pang taon.
"Ilang picture na po ang nakatago sa cellpone ko kasama si Asi, pero di po ako nagsasawang magpakuha sa kanila. Pakiramdam ko po kasi pwede ko itong maipagmalaki sa mga kaibigan ko sa ibang lugar," kwento ni Algie Cabalitan, isang player sa Manicani Barangay Basketball Association na ini-soporan ng HMC taon-taon.
"Kasi pwde ko pong ipagyabang na tropa kami ni Asi at madalas nya kong dalawin rito sa Manicani, isama pa nga si Gary," tawang paglalahad nito.
Iba naman ang dating ng pagiging regular na bisita ng mga PBA stars sa isla para sa karnal na sports follower na si Michael Alvarez.
"Maganda po yung madalas na dalaw nila sa amin kasi kahit papano, naikukwento nila sa kanilang mga kapwa player ang mainit na pagtanggap sa basketball ng mga taga-Manicani," wika ni Alvarez.
"Sana maging karugtong nito eh yung balang araw, isang taga Manicani naman ang makakalaro nila sa PBA," seryosong pangarap nito.
Sa panig nina Taulava at David, hindi sila nagdalawang isip na maging bahagi ng HMC projects dahil alam nila ang sinserong tulong at responsableng pag-aaruga ng mining firm sa kanilang mga nasasakupan.
"When my former Coca-Cola boss asked me to visit Manicani, he told me if I am willing to associate my name with the company. And shortly after he explained the legit mandate as well as the responsbile mining operations of HMC, I immediately said yes," ayon kay Taulava.
Para naman kay David: "Nakikita ko kasi, base na rin sa research na ginawa ko, na hindi abusadong pagmimina ang ginagawa ng Nickel Asia at HMC. Saksi ako sa maayos na pagsunod nito sa environmental safety at pagtiyak na uusbong ang mas masaganang lupa kapag natapos na ang mga proyekto."
Si David ay malimit na bumisita sa isa pang kumpanya ng Nickel Asia na Rio Tuba Nickel Mining Corporation sa Palawan kaya't alam nito ang ginagawang reforestation sa mga mined out area.
"Sana po malaman ninyo na duon sa Palawan, nagawang itayong muli ng Nickel Asia ang isang paraisong mapuno, may mga bukirin at mga ligaw na hayup matapos ang kanilang mining operation sa isang lugar," dagdag ni David.
Bukod kina Taulava at David, malimit ring bisita sa Manicani ang iba pang PBA superstars gaya ni James Yap at Kevin Louie Alas.
Maging ang mga legendary players na sina Kenneth Duremdes at Rodney Santos at dating UAAP stars Cesar Catli, Francis Allera, Marvin Cruz ay hindi na rin dayuhan sa lugar.