Naging matagumpay ang Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) sa
minimithi nitong ilungsad ang makapagtanim ng limang milyong puno sa kanilang minahan sa Bataraza, Palawan.
Naging matagumpay ang Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) sa minimithi nitong ilungsad ang makapagtanim ng limang milyong puno sa kanilang minahan sa Bataraza, Palawan.
Ito’y matapos pangunahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang tree-planting activity sa Bataraza ngayong buwan bilang bahagi ng “5 Million Trees for Palawan” program ng RTNMC.
Nakapagtala na ang kompanya ng 4.1 Million surviving trees na naitanim sa mga lugar na saklaw ng mine rehabilitation and reforestation programs nito at sa isinagawang tree-planting activity sa pangunguna ni Roque, makokompleto na ng kompanya ang limang milyong puno.
Sa pagdalaw niya sa Bataraza, personal na nasaksihan ng Kalihim kung paano ipinatutupad ng kompanya ang responsableng pagmimina.
“Ipararating po natin sa lahat na dito sa Rio Tuba, sa Bataraza, sa Nickel Asia, hindi po nagkakaiba ang konsepto ng pangangalaga sa kalikasan at pagkakaroon ng hanapbuhay,” ayon sa Kalihim.
Kaugnay nito, sinabi ng Kalihim na kanyang ipaaabot kay Pangulong Rodrigo Duterte kung paano ginagawang lunti ng RTNMC ang Palawan.
“Sabi ko, importanteng makita ko ito, importante mapakita ko sa Presidente sa press briefing, nang malaman naman ng Presidente at ng buong sambayanang Pilipino na hindi lahat ng pagmimina sa Pilipinas ng nickel ay iresponsable, na dito sa Bataraza, sa Nickel Asia, pinangangalagaan natin ang kalikasan.”
Nais ng Kalihim na makita mismo ng personal kung may itinatanim ngang mga punongkahoy sa mining community at laking gulat ng kalihim sa kaniyang nasaksihan dahil ginagawa ito ng RTNMC.
Pinasalamatan naman ng Kalihim ang Nickel Asia Corporation, lokal na pamahalaan ng Bataraza, at lahat ng mga empleyado ng RTNMC dahil sa pag-imbita sa kanya sa Rio Tuba.
“I feel that I am personally accepted here to also act as a protector of the environment, and this event is proof that the communities can well benefit from the economic contributions of mining while protecting and preserving nature,” dagdag pa ni Roque.
Para naman masigurong umabot na nga sa limang milyon ang naitanim na puno ng RTNMC, sinabi ni Environmental Planner Janice M. Tupas, na siya ring manager ng Mines Environmental Protection and Enhancement Dept. (MEPED) ng RTNMC, na mayroon silang monitoring para bilangin ang mga punong nabuhay matapos maitanim.
“This year, we will be more aggressive, we will build hectares upon hectares of bamboo plantations, we will engage the communities to turn their backyards into mini forests,” ayon kay Tupas.
Idinagdag pa ni Tupas na ang kanilang programang ito ay suportado hindi lamang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kundi maging ng Dept. of Education sa Palawan kung kaya’t umaasa silang malalagpasan pa nila ang limang milyon.
Naniniwala ang kompanya na ang pagkakaroon ng kontribusyon sa restoration at proteksiyon ng mayamang forest ecosystem sa Palawan ay isang moral obligation.
Ayon naman kay Engineer Cynthia E. Rosero, Resident Mine Manager ng RTNMC, ang pakikiisa ni Sec. Roque sa importanteng event na ito ay malaking tulong para naman mapahalagahan ang environment protection programs ng kompanya at mapanatiling berde ang Palawan.
“Hindi madali ang pagtatanim ng limang milyong puno para sa isang mining company pero nagawa naming ito at proud kami dito,” ayon kay Rosero. Ang RTNMC ay isa sa mga kompanyang seryoso sa restoration at reforestation ng kanilang mined-out areas.
Sa mahigit sa 50 taong operasyon nito, napatuayan na ng RTNMC na kaya nitong lumikha ng kagubatan kahit na sa kanilang mined-out areas. Ibig lang sabihin nito, kaya niyang maibalik sa dating ganda ang mga lugar na kaniyang namina.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 196.64 ektarya ng kanyang mining area ang sumailalim na sa rehabilitasyon ng kompanya kung saan nakapagtanim ito ng iba’t ibang uri ng punongkahoy tulad ng narra, ipil, apitong, agoho, udling, kupang, batino, tongkat ali, amugis, at iba pa.
Umaabot naman sa 663.08 ektarya ang nataniman na ng native tree species, cacao, mangroves, botanical plant, at ilang industrial trees, bilang suporta sa Green Philippine Highway Project; Adopt-a-Mountain Project; at National Greening Program ng pamahalaan.
Tuloy-tuloy ang pagtatanim ng punongkahoy ng RTNMC upang matupad ang layunin ng mine rehabilitation at maibalik sa dating kondisyon nito o mas maganda pa ang mga lugar na kanilang namina.