Features

RTNMC nakiisa sa selebrasyon ng ika-59 Anibersaryo ng Bataraza

Nakiisa ang mga empleyado ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) sa pagdiriwang ng ika-59 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Munisipalidad ng Bataraza.

Ang selebrasyong ito ay may temang: “Pasasalamat at Pagkakaisa sa Patuloy na Pag-angat at Pagiging Matatag ng Bayang Bataraza.”

Ang bayan ng Bataraza ay isang first class Municipality na may populasyong mahigit sa 90,000.

Asahan pa ang maraming development projects sa naturang bayan katulad na lamang ng pagpapatayo ng bagong municipal hall, airstrip, fish port at iba pa.

Ang ekonomiya ng Bataraza ay sumusulong dahil sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor kagaya ng pagsasaka, pangingisda, turismo, negosyo at pagmimina.

Ang Bataraza ay host municipality ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) sa kanilang operasyon sa Barangay Rio Tuba.

Ang public-private partnership sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Social Development and Management Program (SDMP) at iba pang programa ay nagbukas ng maraming oportunidad upang makatulong sa patuloy na pagsulong ng Bataraza.

Share this article